Thursday, June 28, 2007

hirit na malupit...

kaninang umaga habang bumibili ako ng breakfast ko sa isang liit-liitang karenderya ay may mga nakatambay na mga high school student. mga babae at lalaki. tapos ung isa sa mga nakatambay na lalaking teen-ager ay may binati na babaeng dumaan. sa dinig ko tropa daw ng kapatid nya. ang hirit nya sa girl na dumaan....

boy: di pa ako pumapasok eh.di daw pinapapasok ang POGI sa school.
girl: gagu..eh di pedeng pede kang pumasok. ang pangit mo kaya..

dalawang maikling palitan ng usapan pero di ko talaga kinaya. hirit na malupit. sa kagustuhang itaas ang self-esteem, ibang tao lang pala ang liligwak nun. kung titignan eh di din naman kagandahan ang girl na bumara sa kanya...sa mata ni kurdapya.

No comments: