Thursday, June 28, 2007
bilog ang mundo...
nung isang linggo lang ay basag na basag ang pagkatao ko. nagmahal...nilinlang...nagtiwala pero niloko...pinagsinungalingan...nasaktan..kala ko di ko na makakayanan ang sakit pero ok naman na ako ngayon.tuloy ang buhay.bilog talaga ang mundo. minsan ok ka, minsan hinde. cycle lang ang nangyayari. paulit-ulit lang pero di naman sya boring kase kahit umuulit ang mga pangayayari, may variety sa sa bawat sitwasyon. may bida, may kontrabida. pero ung kontrabida, nag-iiba-iba ang uri ng pang-aapi. bilog talaga ang mundo, akalain mo ang kwentong pagkabigo ko sa pag-ibig na 'to ay maririnig ko rin sa ibang tao. may nakausap akong kaibigan ko ngayon. ganun na ganun din ang istorya nya. nagmahal, nilinlang, nagtiwala pero niloko, pinagsinungalingan..nasaktan. kakaiba talaga kase ibig sabihin inter-connected ang mga buhay natin. kala ko mag-isa lang ako sa pangyayaring ganun. bilog nga naman talaga ang mundo...sa mata ni kurdapya....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment